
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Durog ang ulo ng isang lolo sa Tuguegarao nitong Martes makaraang dikdikin ng bareta ng pamangking umuwing gutom at walang nadatnang pagkain.
Kinilala ang biktimang si Herminio Tarampi (73); ang suspek: Ronald Cabaruan (45), parehong residente ng Brgy. Masical., Sto. Niño, Cagayan.
Alas-nuwebe ng gabi, sa bahay ng ina ng suspek: Dumating umano si Cabaruan na lango sa alak at walang anu-ano'y pinagbuhatan ng kamay ang sariling ina dahil walang naabutang pagkain sa mesa.
Nang marinig ni Tarampi ang sigawan ng mag-ina ay agad niya itong inusisa at, nang makita niyang hinahambalos ng suspek ang kanyang ina ng bareta tool, ay mabilis niya itong inawat.
Doon siya napagbalingan ng suspek. Itininarak nito ang bareta sa ulo ng matanda sabay hinataw-hataw. Kahit nangingisay na ay dinukot pa nito ang mata ng tiyuhin gamit ang bareta.
Agad namang nakahingi ng saklolo ang ina ng biktima na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa suspek na ngayo'y nahaharap sa kasong murder.
Napag-alaman namang labas-masok na umano ang suspek sa kulungan dahil sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.