Jessy Mendiola, pinayuhan

No less than the Star for All Seasons na si Vilma Santos ang nagbigay ng payo kay Jessy Mendiola at sa asawa nitong si Luis Manzano ngayong magiging ganap na pamilya na sila sa pagdating ni Baby Peanut.
"Ako kasi, as Momsy V, I'm so excited and continuously praying for Peanut to be okay. And siyempre, para naman sa inyo, to my son, I'm happy too, because he's happy. For you Daddy, for you Mommy, it's going to be the next chapter in your lives. I am not saying it's going to be very, very smooth," sabi ni Vilma.
"Pero, still, the most important thing is, lagi kayong mag-iisip nang pareho, as one. Kasi, wala na kayong choice eh. Mag-partner kayo. Marami kayong pagdadaanang challenges. May mga time na mag-aaway kayo, sa totoo lang. May time pag-aawayan niyo rin si Peanut, sa totoo lang. But ang pinakaimportante, as long as the love and respect is there. Uulitin ko, the most important unit in our society, is family. Lahat ng inspirasyon, strength, encouragement, lahat 'yan manggagaling 'yan sa pamilya," dagdag niya.
Ayon naman kay Jessy, hindi pa man isinisilang si Baby Peanut ay mukhang spoiled na ito sa kanyang lola na talaga namang super excited sa una niyang apo.
Matagal-tagal din kasi nilang hinintay na magkaapo sa anak nila ni Edu Manzano kaya naman hindi pa naisisilang ni Jessy ang sanggol ay may advanced special gift na si Lola Vilma sa kanya.
Sa isang bahagi ng latest vlog ni Ate Vi sa YouTube kung saan sumabak siya sa "category challenge" with Luis and Jessy ay biglang nagtanong ang beteranang aktres at dating public servant.
"Before anything else, pwede pakikuha?" pakiusap ni Vilma sa kanyang staff.
"When are you going to have your baby shower? Ano target niyo?" tanong niya sa celebrity couple. Sagot ni Jessy, "Baka mid-October po."
"Ano ba ang ginagawa sa baby shower?" sundot na tanong ni Ate Vi na sinagot naman ni Jessy ng, "Ang sabi po ng OB ko, kaya daw po nagtu-throw ng baby shower kapag third trimester na kasi kumbaga 'yun na ang kabuwanan mo."
Nang makita ang regalo ng kanyang mother-in-law, nagulat si Jessy sabay sabing, "Naku, hindi pa lumalabas si Peanut, spoiled na."
