Janelle Tee, nagpaliwanag

September 15, 2022

Nitong nakaraan ay nagdesisyon ang Vivamax sexy actress na si Janelle Tee na magpahinga muna sa social media, pero nilinaw na niya ito sa ginanap na mediacon para sa bagong movie niya sa Vivamax, ang “The Escort Wife”.

Isa sa mga naitanong sa dalaga ay ang tungkol sa desisyon niyang maging inactive muna sa social media na in-announce pa niya sa kanyang Facebook account noong September 3.

“Taking a social media break… My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat. I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me. I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out. I’ve thought long enough…I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now,” sabi ni Janelle sa kanyang social media post.

Nagpaliwanag naman ang dating beauty queen sa ilang members ng entertainment media at sinagot ang mga tanong nito.

“Gusto ko lang maging inactive muna. Alam mo yung parang nangyayari, iyon naman sa atin, like when we work so much, nang dire-diretso. Parang we want to relax and recuperate and be in touch with the realities of life. Parang ganoon. Hindi naman ako mawawala forever. Parang I just need to take a break. Social media detox, kumbaga. Kailangan po talaga yun, but I’ll not be gone for too long. I’ll be back very, very soon and marami tayong paandar pang nakahanda po para sa inyong lahat,” sabi ni Janelle.

“Wala naman siyang super duper like lalim talaga na dahilan. It’s just that I felt na kailangan ko lang siya. Parang ang feeling ko, ang ano ng social media, so I just needed that. I remember before, after nag-compete ako ng Miss Earth 2019, nag-detox din ako. Parang ratrat ka tapos biglang kailangan mo lang talaga ng break and then, when you’re back, you’re back na mas maraming pasabog at paandar,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial