Lampas 1K na PCG, sasabak sa training



Patay ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) pagkatapos maka-engkuwentro ang mga kasundaluhan sa may…
Umani ng batikos mula sa mga fans ang pasilidad ng New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac, matapos mapansin…
Nalusutan ni Pinay tennis star Alex Eala ang 2024 Paris Olympics women's singles gold medalist na si Zheng Qinwen ng…
Nasapul sa camera ang insidente ng pamamaril sa isang food festival sa Seattle, Amerika, nitong Lunes.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi basta-basta isusulong ng pamahalaan ang planong paggamit ng…
Pumapalo sa 1,450 draftee ang nanumpa ngayong Lunes para sumalang sa pagsasanay sa Philippine Coast Guard (PCG) na umano'y pinakamaraming bilang ng draftee na nanumpa sa kasaysayan ng PCG.
Pinangunahan ni Philippine Coast Guard Admiral Artemio Abu ang panunumpa.
Ang mga trainee ay dadaan sa anim na buwang pagsasanay sa iba-ibang base ng Coast Guard, kung saan hahasain ang kanilang kakayahan para maging kasapi ng Hukbong Bantay Dagat ng Pilipinas.
Samantala, pinagtanggol ni Abu ang kanilang hanay laban sa mga pahayag ni Sen. Imee Marcos matapos nitong batikusin ang trabaho ng PCG sa West Philippine Sea sa isang Senate hearing.
"We're going to exercise our rights and never lose a single inch of Philippine territory. I think that's loud and clear.. I'm quite surprised that the Coast Guard is sitting on the sidelines and waiting. 'Yon lang ginagawa niyo, paikot-ikot lang?" saad ni Marcos sa isang hearing kamakailan.
Sinabi ni Abu na patuloy ang pakikipag-usap nila sa Embahada ng China pati sa Chinese Coast Guard.
"We are in good coordination even with the ambassador of China… Mayroon tayong magandang ugnayan sa kanila," sabi ni Abu.