SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Barangay

editorial
Published on: 

Nang ihayag ng korte sa Maynila kahapon ang hatol laban sa mga miyembro ng fraternity na pumatay sa isang estudyante sa isang ritwal ng hazing, tiyempong iniulat naman ang pighati ng isang inang OFW na namatayan ng anak dahil rin sa tinamong pinsala niya sa parehong pambubugbog sa isang hazing na isinagawa ng mga miyembro ng fraternity.Sa hatol ng korte, habambuhay na pagkakabilanggo ang parusa sa 10 lalaki na idinemanda ng mga magulang ng namatay sa hazing pitong taon na ang nakararaan. Nakamit man nila ang hustisya, tila patuloy pa rin ang nakamamatay na hazing, ang karaniwang initiation ng mga sumasali sa fraternity. Wala pa ring takot ang mga fraternity na isagawa ang mga mararahas na hazing sa mga baguhang miyembro sa kabila ng mga batas laban rito. Mas masakit rito ay hindi na mababawi ang buhay na nawala ang mawawala.Karaniwan ang hazing ng mga estudyante dahil ang mga fraternity ay mga organisasyon ng estudyante. Marami nang fraternity ang nasangkot sa pagkamatay ng mga kabataang lalaki na sumasali sa kanilang grupo. Kung nagkaroon ng batas na sumusupil sa karahasan ng ganitong samahan sa mga kolehiyo, mukhang nasamantala ang kahinaan ng batas dahil sa bagong biktima ng hazing na dinatnan ng kanyang ina na bangkay na. Ayon sa ulat sa pagkamatay ng estudyanteng taga-Jaen, Nueva Ecija, ang fraternity na may kinalaman sa kanyang hazing ay hindi naka-base sa kolehiyo kundi sa lokal na barangay nila. Tila hindi sakop ng batas na nag-aatas sa mga paaralan at pamantasan na ipagbawal ang marahas na hazing na isinasagawa ng mga fraternity.Masusubukan ang lakas ng batas laban sa hazing sa panibagong kasong pagpatay ng isang estudyante. May bisa kaya ito sa mga fraternity ng barangay na sangkot sa nakamamatay na hazing? Malalaman natin sa oras na magsampa ng kaso ang ina ng biktima laban sa mga sangkot sa pambubugbog sa kanyang anak hanggang sa paglilitis ng kaso at paglabas ng hatol ng hurado.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph