Concept News Central
CHILLING EFFECT!
Published
1 week agoon

Inihayag ng isang editor ng isang online news site na mayroon umanong “chilling effect” ang kautusan na i-block ng mga telcos ang website ng mga grupong iniuugnay sa terorismo, kasama ang ilang independent media organization.
Ayon kay Bulatlat Associate Editor Danilo Arao, kung na-block ang kanilang website, posibleng mangyari rin ito sa iba pang media organization na kritikal sa gobyerno.
“May dahilan para mag-alala sa kapakanan ng aming pamilya at aming mga kasama sa Bulatlat, lalo na rin sa mga sumusubaybay sa nilalaman ng aming publication. Sa kabilang banda, nandiyan din ang pangamba para sa media sa pangkalahatan,” saad ni Arao, na nagtuturo rin ng journalism sa University of the Philippines.
Para naman kay Altermidya board member Raymund Villanueva, ang ginawang hakbang ng pamahalaan ay hindi umpisa ng media crackdown dahil matagal na aniya itong nangyayari.
Kung matatandaan, iniutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapa-block ng access sa websites ng halos 30 entities na may kaugnayan umano sa mga komunistang grupo, alinsunod sa pakiusap ng National Security Council (NSC).
Pero nadamay rin sa pag-block ng website ang ilang independent media tulad ng Bulatlat at Pinoy Weekly, at progresibong grupo gaya ng Pamalakaya.
Nangangamba ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na sunod na mapuntirya ang mainstream media.
Samantala, naniniwala naman si incoming National Intelligence Coordinating Agency chief Ricardo de Leon na hindi pagbibigyan ng NTC ang hiling na pag-block ng website kung hindi ito suportado ng ebidensiya.
Kinondena naman ni NUJP President Jonathan de Santos ang hakbang ng NTC, na naging gulatan at hindi aniya dumaan sa due process dahil hindi nagkaroon ng pagkakataon ang alternative media na ilatag ang kanilang panig.
Para kay De Santos, malabo ang basehan ng hakbang dahil hindi designated groups na konektado sa terrorist groups ang media groups.

LIKE US ON FACEBOOK

Ukraine leader accuses Russia of ‘terror’

Nearly 33,000 children flee Mozambique violence

LIBRENG SAKAY, TULOY PA RIN!

Dialogue with Suu Kyi ‘not impossible’

UK monkeypox symptoms different from prior outbreaks

DoH, hiling ang second booster dose para sa seafarers

UK bird reserves closed after suspected avian flu outbreak

Malaking tulong

U.S. protests over fatal police shooting of Black man

AJ Raval, hindi buntis

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Marcos spends first day as president in church

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
