Connect with us

Concept News Central

Sanya Lopez, na-starstruck kay Alice Dixson

Published

on

Hindi napigilan ng aktres na si Sanya Lopez ang magpakita nang matinding paghanga sa veteran actress at dating beauty queen na si Alice Dixson nang magkita sila sa lock-in taping ng GMA primetime series na “First Lady”, ang book 2 ng hit Kapuso serye na “First Yaya.”

Dahil nag-hit ang First Yaya na pinagbidahan ni Sanya, nagkaroon ng spinoff ang teleserye at mapapanood siya bilang asawa na nga ni President Glen Acosta na gagampanan ni Gabby Concepcion habang si Alice naman ay gaganap bilang si Ingrid Domingo.

“Actually, nu’ng una ko siyang nakita, wala akong nagawa kundi natulala na lang talaga ako sa kanya kasi ang ganda niya tapos ang galing niya pa umarte,” sabi ni Sanya. “Kaya na-excite talaga akong makatrabaho siya nu’ng nabalitaan ko pa lang na makakasama ko siya sa First Lady.”

“Kung nagustuhan nila ‘yung First Yaya, mas lalo nilang magugustuhan ang part two ngayon na mas pinagbutihan at ginawang masaya pa lalo ng aming direktor na si Direk LA (Madridejo) at mga writer itong kuwento ng First Lady Abangan n’yo rin ang mga bagong karakter na dadating dito. Of course, si Ingrid, ano nga ba ang mangyayari kay Ingrid at kay Melody. Ano nga ba ang magiging ganap niya rito?” dagdag niya.

Mapapanood na very soon sa GMA Telebabad ang “First Lady” kaya abangan n’yo na lang ang pagbabalik ng mga paborito n’yong karakter sa minahal n’yong Kapuso series.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Sanya sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa walong banner stars ng Sparkle, ang bagong pangalan ng GMA Artists Center ng GMA.

Pero nilinaw ng aktres na walang dapat maging issue ang pagkakapili sa kanya at sa pito pang Kapuso stars bilang talents ng Sparkle.

“Gusto ko lang linawin na yung Sparkle, e, hindi lang po tungkol sa aming walo. Yung Sparkle, para po sa akin, ay katulad din naming maraming nangangarap, mga talent na nangangarap pong mag-sparkle din. Itong Sparkle po, very thankful talaga kami na napili kaming walo para i-represent at ang maipapangako po lang namin ay hindi namin sisirain ang tiwala,” sabi ni Sanya

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement