Connect with us

Concept News Central

PHL COVID VARIANT, POSIBLE!

Published

on

Ilang eksperto ang nagpahayag na inaalam pa nila kung posibleng mayroon nang Philippine variant ang coronavirus disease (COVID-19) matapos madiskubre ang dalawang klase ng mutation ng nakamamatay na sakit sa Central Visayas.

Ayon kay Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center, inaalam nila ngayon ang posibilidad na magkaroon ng sariling COVID-19 variant ang Pilipinas, subalit kung emerging na ito ay yun ang kanilang tinitingan.

“That’s always a possibility in different countries around the world kaya po tayo nag-genomic biosurveillance,” saad ni Saloma.

Paliwanag ng eksperto, pinalalakas nila ngayon ang kanilang genome sequencing upang madetermina kung mayroon nang mutation ng virus sa iba pang rehiyon at ang resulta ng kanilang pagsasaliksik ay malalaman sa mga susunod na linggo.

Nitong Huwebes, kinumpirma ng Department of Health (DoH) sa Central Visayas na mayroon silang na-detect na dalawang mutations na mayroong “potential clinical significance” ng SARS-CoV-2 na siyang nagiging sanhi ng sakit.

Ang dalawang mutations ay na-identify na E484K at N501Y at nakita ang mga ito mula sa mga samples na galing sa Central Visayas.

Ang 484K mutation – na mayroong kaibahan sa genetic sequence nito – ay makikita sa South African variant ng SARS-CoV-2, habang ang N501Y mutation ay makikita naman sa UK coronavirus variant at sinasabing mas malaki ang tsansang makahawa.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Alethea De Guzman ng epidemiology bureau ng DoH na ang Central Visayas ay nakapagtala ng mas mataas na kaso ng COVID-19 matapos ang holidays.

Ang mga lugar kung saan tumaas ang kaso ng sakit ay Cebu Province, Cebu City, Lapu-Lapu City at Mandaue City, subalit ayon kay De Guzman, wala pa umanong ebidensya na ang pagdami ng kaso ay dahil sa virus mutations.

Si DoH Secretary Francisco Duque naman, sinabi na kukumpirmahin pa kung ang mga nasabing mutations ay magkakaroon ng significant public health implications.

“Sa kasalukuyan, hindi pa sapat ang ating mga datos upang matukoy ng ating mga eksperto kung ano nga ba ang implications ng 2 mutations na ito sa virus,” saad ni Duque.

Paliwanag pa ng kalihim, ang mga virus ay natural na nagmu-mutate kapag naipasa ito sa ibang tao, pero ang karamihan sa mutations ay neutral, habang ang iba naman ay magiging “clinically significant mutation” kung mas magiging nakakahawa ito.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement