Connect with us

Concept News Central

Suntok sa buwan

TDT

Published

on

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang masawata ito.

At dahil dito, marami na ang nagbibigay ng mungkahi kung ano ba dapat ang kailangang gawin upang mapigil ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito.

Pero kamakailan, isang mungkahi ang lumutang kung saan dapat na ipagpaliban muna umano ang 2020 national elections dahil hindi pa umano sigurado kung aabot hanggang 2020 ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Ikinagulat naman ng ilan ang nasabing mungkahi at maging si dating Commission on Elections (Comelec) chief Christian Monsod ay nagsabing hindi umano maaari na ipagpaliban ang national elections.

“Suntok sa buwan ‘yun kasi po we are functioning as a democracy. People are traveling. They are doing their functions kaya lang minimized pero it does not mean that we can postpone elections for that reason,” sabi ni Monsod sa isang panayam.

“That is a wild thought by somebody who did not study the law or the Constitution,” dagdag niya.

Nilinaw pa ng dating poll body chief na ang nakalagay sa Section 5 of the Omnibus Election Code na terrorism, destruction of paraphernalia, violence at ilan pang katulad na maaring pumigil sa pagkakaroon ng ligtas, malaya at honest elections lamang ang maaaring makapagpaliban ng eleksyon.

“Pandemic is not such a nature that you cannot have people going to the polls to vote. It’s common sense,” saad pa ni Monsod.

Ipinaliwanag rin niya na kung sakali ngang mapostpone ang eleksyon, dapat sundin ang nakasaad sa Section 7 ng Constitution kaugnay sa line of succession.

“Automatic natatapos ‘yung term ng Presidente. He cannot extend it himself most of all or anybody even Congress cannot extend him. He automatically has to step down on June 30, 2022,” sabi ni Monsod.

“’Yung manner of voting tapos kailangang may plebiscite. How can you do the plebiscite if they are saying ‘di pwedeng mag election pero pwedeng mag plebiscite. Nananginip sila kung ‘di loko-loko sila,” dagdag pa niya.

Sa ganang amin, tama si Monsod. Suntok sa buwan ang mungkahing ipagpaliban ang eleksyon.

Hindi rin naman kasi tamang pag-usapan agad ang eleksyon ngayong mga panahon na ito lalo pa’t humaharap sa banta ng pandemya ang bansa.

Ang mas mabuting gawin na lamang ay sundin na lamang ang lahat na inilatag na protocols at manalangin na mapabilis pa ang paggawa ng bakuna upang matapos na ang problemang ito.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement