Connect with us
Click me!

Concept News Central

‘VP Leni, naghihirap na?’

Concept News Central

Published

on

VP Leni Robredo

Pinasabog ng real estate sources ng Concept News Central ngayong Biyernes ang pagbebenta ni Vice President Leni Robredo sa umano’y apartment unit niya sa 20 Landsbergh Place sa Quezon City.

Ang unit na matatagpuan sa Tomas Morato ay prinesyuhan ng P23 milyon at sinasabing sing-engrande kung hindi man sing-laki ng kanyang bahay sa Naga City.

“Either naghihirap na si VP Leni para ibenta ang apartment unit o pinag-iipunan na niya ang pagtakbo sa pagka-Presidente sa 2022,” wika ng isa sa sources ng CNC.

“Ang tanong ay saan naman kaya siya naglalagi o kung pumapasok pa siya sa kanyang opisina o umuwi na sa Bicol?” dagdag ng realtor.

NASA 11th floor ng condo ang sinasabing apartment unit ni Robredo. Litrato mula sa real estate listing

Nasa 11th floor ang naturang unit sa posh condo enclave.

Matatandaan na na-feature na rin sa isang pahayagan ang bahay ng mga Robredo sa Naga na umani ng puna sa mga netizen.

Ayon sa ilang batikos, ang bahay ay hindi simple taliwas sa imaheng ibinebenta ni Robredo sa publiko.

p/jd

Advertisement
Click to comment