DYARYO TIRADA
Effigy ni Trump, sinunog sa UP Diliman
Sinunog ng mga raliyista ang effigy ni United States President Donald Trump sa University of the Philippines (UP) Diliman bilang protesta sa kanyang pagbisita sa Pilipinas at sa planong pagtatayo ng Pax Silica sa Tarlac.
Kabilang sa mga lumahok sa protesta ang mga estudyante, environmental groups, magsasaka, at mga miyembro ng komunidad ng Aeta.
Ayon sa mga raliyista, maaaring magresulta ang pagtatayo ng Pax Silica sa pagpapaalis sa mga katutubo at magsasaka sa Central Luzon, gayundin sa pagkasira ng kalikasan.
Gumamit naman ang mga miyembro ng komunidad ng Aeta ng nagliliyab na palaso upang sunugin ang effigy na pinangalanan nilang “Trumplunderer.”
Samantala, nagkampo ang mga progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio bilang pagtutol sa planong pagtatayo ng air base sa Palawan.