Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Alex Gonzaga nanganak na

Alex Brosas · Aug 27, 2026, 8:24 PM

ANG madir ni Alex na si Mommy Pinty ang nagkumpirma na nanganak na si Alex. — Facebook

Nagsilang na ang aktres at content creator na si  Alex Gonzaga.

Isa nang ganap na mommy si Alex matapos niyang isilang ang isang healthy baby boy na unang anak nila ng kanyang asawang si Mikee Morada.

Ang madir ni Alex na si Mommy Pinty ang nagkumpirma na nanganak na si Alex. Sa isang text message sa isang online writer niya ipinadaan ang confirmation.

Matatandaan na noong  Martes, 25 Agosto  ay nag-post si Alex ng maternity photos niya kalakip ang nakakaintrigang caption: “I’ll miss carrying you inside my tummy, my baby. It was like having our own little world. (cry emoji and white heart). Thank You Jesus!”

Bukod sa pagkumpirmang nagsilang si Alex ng baby boy, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Mommy Pinty katulad ng saan nanganak, ano ang petsa ng kapanganakan at kung anu-ano pa.

Simula nang ikasal si Alex kay Lipa City Vice Mayor Mikee Morada noong November 2020 ay tatlong beses na nagkaroon ng miscarriage ang younger sister ni Toni Gonzaga.