Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Agosto

Michael Pingol · Aug 10, 2026, 2:47 PM

Photo courtesy of Meralco

Magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay MERALCO Vice President Joe Zaldarriaga, ito ay bunsod ng ₱9.5 bilyong refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa halos walong milyong customer ng Meralco.

Kung susumahin, tinatayang aabot sa 59 sentimos kada kilowatt-hour ang maaaring maibalik sa mga konsyumer.

Gayunman, nilinaw na maaaring magbago ang halaga dahil sa iba pang singil, kabilang ang ₱8.7 bilyong under-recoveries at pagtaas ng FIT-All bilang suporta sa mga renewable energy project.

Ngayong araw, iaanunsyo ng Meralco ang pinal na halaga ng ibabawas sa bawat kilowatt-hour ng konsumo.