Daily Tribune

DYARYO TIRADA

EJ Obiena kumubra ulit ng ginto sa Germany

James Pacala · Aug 7, 2026, 2:45 AM

Photograph courtesy of EJ OBIENA/FB — ERNEST John Obiena settles for a bronze medal in the World Athletics Continental Tour-Beijing at the National Stadium in Beijing.

Patuloy ang pamamayagpag ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena, matapos makamit ang kanyang ika-7 ginto ngayong taon, sa katatapos lang na laban sa Stabhochsprung Meeting sa Jockgrim, Germany, ika-6 ng Agosto.

Dinukot ni Obiena ang ginto, matapos ma-clear ang 5.85 metro, at talunin muli si Seifeldin Abdelsalam ng Qatar, na merong 5.83 metro, na sinundan naman ni Ersu Şaşma na may 5.77 metrong na-clear.

Ito na ang ika-4 na ginto ng 30-year old pole vaulter ngayon sa Germany, kung saan nanalo rin siya sa katatapos lang na Halberstädter Höhenflug – 1. Internationales Stabhochsprung-Meeting auf dem Domplatz sa Germany, nitong ika-1 ng Agosto.

Kaunting pahinga lamang ang matitira kay EJ, bago siya muli sumabak sa laban ngayong ika-21 ng Agosto sa Athletissima Diamond League meeting in Lausanne, Switzerland.

Magiging malaking bahagi ang pagsali ni Obiena sa mga torneyo sa Europa, para sa kanyang muling pagsali sa Asian Games.

Samantalang manantili si EJ sa Athens, Greece bilang kanyang opisyal na lugar at pasilidad para sa pag eensayo, matapos lisanin ang Formia, Italy, kasama ang Polish trainer na si  Marcin Szczepanski.