Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Biazon, nakiusap matapos ang sunog sa OsMun: Huwag i-post ang video ng mga pasyente

Abegail Esquierda · Jul 20, 2026, 1:47 PM

Nakiusap si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga kumuha ng video at nag-livestream sa loob ng Ospital ng Muntinlupa (OsMun) habang nagaganap ang emergency na huwag i-post sa social media ang mga pasyente at kanilang pamilya bilang paggalang sa kanilang privacy right.

Ayon sa alkalde, mabilis na nakatugon ang mga awtoridad at naideklara ang fire-out bandang 3:48 p.m.—siyam na minuto lamang matapos maireport ang sunog sa storage room ng outsourced maintenance service.

Dagdag pa ni Biazon, habang naaapula ang apoy, agad na nag-ikot ang mga nurse at security guard upang paalalahanan ang mga pasyente na kontrolado na ang sitwasyon. Pinakalma nila ang mga ito, pinahanda ang kanilang mga gamit sakaling kinakailangang mag-evacuate.

Kinumpirma din ng niya na ligtas ang lahat at walang naitalang nasaktan sa mga pasyente sa naturang insidente.