DYARYO TIRADA
Pilipinas umangat sa World Press Freedom rankings
Pumuwesto sa ika-114 ang Pilipinas sa 2026 World Press Freedom Index mula sa 180 bansa sa buong mundo.
Ito na ang pinakamataas na ranggo na nakamit ng bansa sa nakalipas na 21 taon, kasabay ng paggunita sa World Press Freedom Day.
Batay sa ulat ng Presidential Task Force on Media Security, tumaas ito ng dalawang puwesto mula sa ika-116 na ranggo ng Pilipinas noong 2025.