BLAZE of neglect Environmental groups are demanding accountability for the Navotas Sanitary Landfill fire, pointing to San Miguel Aerocity Inc.’s takeover of the facility despite repeated warnings of a looming environmental disaster. The incident has sparked widespread public concern, as toxic fumes spread across large parts of Metro Manila and nearby suburbs, posing serious health risks. PHOTOGRAPH BY ANALY LABOR FOR DAILY TRIBUNE
DYARYO TIRADA

Usok ng nasusunog na Navotas sanitary landfill, umabot sa Pasay City

Michael Pingol

Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ng Pasay City ang mga residente at mga pupunta sa lungsod na magsuot ng facemask.

Ito ay kasunod ng pag-abot sa lungsod ng makapal at mabahong usok mula sa nasusunog na sanitary landfill sa Navotas.

Ayon sa Pasay LGU, ang usok ay maaaring may dalang mapanganib na kemikal na posibleng makasama sa kalusugan.

Ipinahayag naman ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office na bagama’t bahagyang bumuti ang kalidad ng hangin, mas mainam pa ring magsuot ng proteksyon kapag lalabas.

Hinihikayat din ang mga residente na makipag-ugnayan sa Pasay DRRMO sa pamamagitan ng mga numerong makikita sa kanilang Facebook page.