Daily Tribune

DYARYO TIRADA

First couple, babiyahe sa Japan

Michael Pingol · Apr 25, 2026, 7:02 AM

[File Photo] First Lady Liza Marcos will not be joining President Ferdinand Marcos Jr. in his upcoming trip to the United States on 20 to 22 July. She previously accompanied her husband to his trips to US four times. — Noel B. Pabalate / PPA POOL

Bibiyahe sa Japan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos mula Mayo 26 hanggang 29 para sa isang state visit.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang pagbisita ay tugon sa imbitasyon ng pamahalaan ng Japan.

Inaasahang magkakaroon ng pulong si Pangulong Marcos at si Prime Minister Sanae Takaichi upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Japan, kabilang ang mga isyu sa energy security, food security, at maritime security.

Nakatakda rin na makipagpulong ang Pangulo sa mga lider ng Japan at sa Filipino community sa nasabing bansa.