(September 23 2024)…………Manibela members are encouraging others to join their protest rally against the franchise consolidation requirement under the Public Utility Vehicle Modernization Program on Commonwealth Avenue in Quezon City on Monday, September 23, 2024..………Photo/Analy Labor 
DYARYO TIRADA

Tatlong araw na transport strike, kasado na

Michael Pingol

Maglulunsad ang grupong Manibela ng tatlong araw na nationwide transport strike mula Miyerkules hanggang Biyernes.

Isasabay ito sa pagpapatupad ng service contracting program ng pamahalaan.

Layunin ng protesta na hikayatin ang gobyerno na umaksyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Iginiit din ng grupo na tanggalin ang VAT sa petrolyo.

Hinihiling din nila ang malakihang rollback sa presyo ng petrolyo at ibalik ang presyo ng diesel sa P55 kada litro.