LOTUS Biscoff Cake. 
DYARYO TIRADA

Lola at apo nito, nabiktima ng 'birthday cake modus' sa QC

Michael Pingol

 Nabiktima ng “birthday cake modus” ang isang 69-anyos na lola at kanyang dalawang apo sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City, kung saan tinangay ang mahigit ₱1M halaga ng ari-arian.

Nagpanggap na LGU staff ang mga suspek, pumasok sa bahay, at kalaunan ay iginapos ang mga biktima bago nagsagawa ng pagnanakaw.

Naaresto ang isang driver matapos ang follow-up operation, habang patuloy na tinutugis ang iba pang kasabwat. Sinampahan na siya ng mga kasong robbery, carnapping, at illegal possession of firearms.

Paalala ng pulisya, huwag basta-basta kakausap o magpapapasok ng hindi kakilala sa loob ng tahanan.