The University of Santo Tomas Singers (USTS) proudly raises the Philippine flag as USTS founder and conductor Fidel G. Calalang, Jr. (second row, center) holds the Oak of Derry Trophy from the 13th City of Derry International Choir Festival in Northern Ireland. Photo courtesy of USTS
DYARYO TIRADA

'Pinas, pasok sa ‘most polite, friendly’ countries sa mundo

Michael Pingol

Nakapasok ang Pilipinas sa listahan ng mga pinaka-magalang at pinaka-palakaibigang bansa sa mundo, ayon sa isinagawang survey ng kumpanyang Remitly, isang cross-border digital finance provider, na nilahukan ng halos 5,000 katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Batay sa resulta, pumuwesto ang Pilipinas sa ika-6 na ranggo sa kategoryang “politeness,” kung saan 2.3% ng mga respondent ang nagsabing ang mga Pilipino ang may pinakamagandang asal at pag-uugali.

Nanguna sa listahan ang Japan na may 35.15%, sinundan ng Canada (13.35%) at United Kingdom (6.23%). Pumasok din sa Top 5 ang China (3.7%) at Germany (2.8%).

Samantala, nakapasok din ang Pilipinas sa Top 10 ng mga pinaka-palakaibigang bansa sa mundo, kung saan pumuwesto ito sa ika-8 na ranggo matapos makakuha ng 4.16% mula sa mga respondent.