Daily Tribune

DYARYO TIRADA

3.4 million pounds na fried rice, ni-recall dahil posibleng may bubog ng salamin

Amelia Clarissa de Luna Monasterial · Feb 22, 2026, 11:16 AM

AJINOMOTO Foods, nagbabala sa mga mamimili matapos may natagpuang bubog ng salamin sa produkto. — Composite photo, courtesy of USDA8 and Harrison Keely via Wikipedia Commons.

Nag-recall ng halos 3.4 milyon pounds ng frozen chicken fried rice ang Ajinomoto Foods North America, Inc., na binebenta sa Trader Joe’s sa U.S. at sa Canada, dahil sa posibleng kontaminasyon ng bubog ng salamin, ayon sa U.S. Department of Agriculture noong 19 February.

Ayon sa kompanya, apat na mamimili ang nag-report ng natagpuang glass sa fried rice. Wala pang naiulat na injuries kaugnay ng produkto.

Dalawang produkto ang apektado:

Parehong may establishment number P-18356 sa USDA mark ang mga produkto.

Pinayuhan ng USDA Food Safety and Inspection Service ang mga mamimili at retailers na suriin ang kanilang freezers. Kung may hawak ng mga apektadong produkto, dapat itong isauli sa tindahan o itapon.

Kung may alinlangan sa posibleng injury, dapat kumonsulta sa health professional.