Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Hayden Kho, may pakilig sa asawang si Vicki Belo

Abegail Esquierda · Jan 27, 2026, 3:22 AM

Photo from Belo Beauty

Ibinahagi ni Hayden Kho ang birthday surprise niya para sa asawang si Vicki Belo sa pagdiriwang ng ika-70 kaarawan nito noong ika-25 ng Enero.

Sa Instagram, ipinakita ni Hayden ang isang video kung saan makikitang kasama niya ang nag-iisa nilang anak na si Scarlet Snow sa paghahanda ng sorpresa.

Aniya sa caption, “A birthday surprise exactly the way she likes it: simple, quiet, intimate. We love you, @victoria_belo. Happy birthday.”

Dakong alas-4:00 ng umaga pa lamang ay sinalubong na ng isang nakakakilig na sorpresa ang celebrity doctor, kabilang ang birthday balloons bilang pagbati.

Pagsapit ng alas-6:00 ng umaga, naghanda naman si Scarlet ng scrambled eggs para sa almusal ng kanyang ina.

Treasure hunt naman ang naging aktibidad bandang alas-1:00 ng hapon, kung saan kinailangang hanapin ng doktora ang kanyang regalo—isang silver Chanel bag.

Nagtapos ang video sa isang sweet na mensahe mula sa kanilang unica hija.