NAGDEKLARA ang ilang mga lokal na pamahalaan ng walang pasok sa Region V at VIII dahil sa Bagyong Ada. Larawan mula sa DOST-PAGASA/ Facebook.
DYARYO TIRADA

Klase suspendido sa ilang lugar dahil sa bagyong Ada

Michael Pingol

Nagsuspinde ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Ada.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng walang pasok ngayong araw ang mga sumusunod:

Region V

  • Albay – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.

  • Sorsogon – Suspendido ang klase sa lahat ng antas.

  • Bula, Camarines Sur – Kanselado ang klase mula Kinder hanggang Grade 6.

Region VIII

  • Eastern Samar – Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.

  • Kawayan, Biliran – Suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, simula kahapon.

  • Catbalogan City, Samar – Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.