Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Atong Ang at 21 Iba pa, kakasuhan kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero

Abegail Esquierda · Dec 10, 2025, 2:58 AM

Businessman Charlie ‘Atong’ Ang files his counter-affidavit at the Department of Justice on Friday as he continues denying his involvement in the missing sabungeros’ case. — PHOTOGRAPH COURTESY OF Atty. Gabriel Villareal

Business mogul na si Atong Ang at 21 iba pa ang kakasuhan ng Department of Justice (DOJ) matapos makakita ng prima facie evidence kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero mula 2021 hanggang 2022, ayon sa DOJ nitong Martes, ika-9 ng Disyembre.

Si Charlie Tiu Hay Ang, o mas kilala bilang Atong Ang, ay nauna nang nadawit sa kaso noong 2022, at lalo pang uminit ang usapin nang lumutang ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, na dati niyang empleyado. Ayon kay Patidongan, mahigit 100 sabungero ang umano’y pinatay at itinapon ang mga bangkay sa Lawa ng Taal, paratang na agad namang itinanggi ni Ang.

Haharap si Ang sa 10 counts ng kidnapping with homicide, at 16 counts naman ng kidnapping with serious illegal detention.

Bukod kay Ang, kakasuhan din ng DOJ ang ilang miyembro ng kapulisan.

Listahan ng mga Kakasuhan ng Kidnapping with Homicide:

Mga Kakasuhan ng Kidnapping with Serious Illegal Detention:

Nakaligtas naman sa kaso ang aktres na si Gretchen Barretto, na pinangalanan ni Patidongan na kasabwat umano, dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Noong Oktubre, ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Mandaluyong ang kasong pangingikil (extortion) na inihain ni Ang laban sa dating tauhan niyang si Patidongan at isa pang whistleblower na si Alan Bantiles dahil sa kakulangan ng ebidensya. Ayon kay Ang, tinakot umano siya ng dalawa na idadawit sa kaso kung hindi siya magbibigay ng P300 milyon.