The DoE said gasoline, diesel and kerosene prices are expected to go up by around P0.50 per liter. Industry estimates however, indicate that price adjustments for diesel could range between P0.70 and P0.90 per liter, while gasoline might increase by P0.30 to P0.50 per liter. DAILY TRIBUNE file photo
DYARYO TIRADA

Dagdag presyo sa gasolina, epektibo ngayong Martes

Michael Pingol

Magpapatupad ang ilang kompanya ng langis ng P1.20 dagdag-presyo kada litro ng gasolina sa Martes, ika-9 ng Disyembre.
Epektibo ang nasabing taas-presyo bukas mula alas-6 ng umaga, kasabay ng opisyal na price adjustment. Wala namang pagbabago sa presyo ng diesel at kerosene.

Ito na ang ikalawang linggo ng pagmahal ng gasolina at ika-34 na dagdag-presyo para sa taon.

Samantala, sa Metro Manila, aabot na sa P52.95 hanggang P73.09 kada litro ang presyo ng gasolina matapos ang sunod-sunod na pagtaas.