AHTISA Manalo: My love for Quezon remains unchanged. SPR
DYARYO TIRADA

Fans nadismaya nang isnabin si Ahtisa Manalo ng Niyogyugan Festival

Alex Brosas
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang fans ni Ahtisa.

Marami ang nabigla sa desisyon ng organizer ng Niyugyogan festival na hindi imbitahin ang 2025 Miss Universe Philippines na si Ahtisa Manalo.

Si Ahtisa ay unang itinanghal na Miss Niyogyugan queen noong 2016.

"Though I wasn’t invited to join the festival this year, my love for Quezon remains unchanged. Representing us on the Miss Universe stage will always be my greatest honor. Happy Niyogyugan Festival!" say ni Ahtisa sa kanyang Facebook account.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang fans ni Ahtisa.

"Funny how the festival missed inviting the one who gave Quezon pride on the world stage. Their loss, not yours. Invited or not, you’ll always be one of Quezon’s brightest gems. Thank you for inspiring us with your love and pride for our province! We love you Ma. Ahtisa Manalo."

"akala ko nga ngayong niyogyugan ang home coming mo Queen Ma. Ahtisa Manalo kaya sabi ko manonood talaga ako ng grand parade kaso wala pala tapos wala pang entry ang Lucban sa float at street dancing kaya lalo ng tinamad manood."

"Bakit nga kahit Home coming wala after nya manalo, Hello? Ms. Universe Philippines at buong pilipinas kalaban nya.

Anyare ako man na di invited dirin pupunta.

Parang birthday ng kapitbahay mo kasing kain ka sa hapag kainan di ka nmn inimbitaban. 

Kahit taga rito sya SA Quezon nakakahiya mag kusa."

"Naku sayang naman. Chance ko na sana na makita in person and paborito kong manika. Bakit di ka ininvite? Busy ka ba? O busy sila? Ay awan baga. Gusto ko makita ng personal si Ahtisay bago sya koronahan na Miss Universe 2025. Para ma feel nya ang love ng Quezon Prov. sa kanya. Diba "Natatanging Anak ng Quezon" si Ahtisa? (May ganun bang award?) Yaan mo na Neng Ma. Ahtisa Manalo, mag focus ka na lang sa training mo sa laban mo sa Thailand, para di ka mapagod pagparito. Kami nama'y narito laang, todo-suporta sayo. Loves na loves ka namin, at willing to wait kami sayo. Kung kelan mo gusto."