Sa isang tila eksena sa isang horror movie, isang ginang sa New Zealand ang inaresto ng mga otoridad matapos umanong isilid nito ang isang dalawang-taong gulang na babae sa isang maleta habang bumibiyahe.
Ayon sa mga otoridad, kinasuhan ang 27-taong-gulang na babae ng pagmamaltrato at pagpapabaya sa bata.
Batay sa mga ulat, rumesponde ang pulisya sa isang bus depot sa Kaiwaka hilaga ng Auckland matapos iulat ng driver ng bus na gumagalaw ang isang bag sa loob habang nakahinto ang bus sa designated stop nito.
"Nang buksan ng driver ang maleta, natuklasan nila ang dalawang-taong-gulang na batang babae," pahayag ni Harrison. Dagdag pa niya, ang bata ay "sobrang pinagpapawisan, ngunit sa pangkalahatan ay lumilitaw na hindi naman injured."
Ang maleta ay nakalagay sa isang hiwalay na compartment sa ilalim ng bus. Ang bata ay kasalukuyang nasa ospital para sa isang medical checkup.
Pinuri ni Harrison ang driver dahil sa mabilis na aksyon nito at naiwasan pa na magkaroon ng masamang mangyari sa bata.
Dagdag pa niya, posibleng magkaroon pa ng karagdagang kaso. Naabisuhan na ang Ministry for Children ng New Zealand, ang Oranga Tamariki.