Aabot sa mahigit 20 kilo ng hinihinalang shabu ang natagpuan ng isang mangingisda sa baybayin ng Barangay Chanarian sa Basco, Batanes.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), posibleng bahagi ito ng mga naunang naiulat na “floating shabu” na natagpuan sa mga lalawigan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Sur, at Cagayan.
Tinatayang nasa P166.6 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga, na nakalagay sa vacuum-sealed na mga pakete.
Pinuri ng PDEA ang mangingisdang si Alfredo Gerona dahil sa kanyang katapatan at maagap na pag-turnover ng mga natagpuang kontrabando sa mga awtoridad.