Hindi maitago ang pagiging emosyonal ni Megastar Sharon Cuneta sa pulong balitaang inorganisa ni Ms. Roselle Monteverde para sa kanyang asawang si Kiko Pangilinan na tumatakbo bilang senador.
Super emosyonal si Mrs. Sharon Cuneta-Pangilinan, hindi pa niya mapigil ang pag-iyak dahil sa mga kasinungalingan at mga pekeng balitang ipinupukol at ikinakalat sa social media tungkol sa kanyang kabiyak, si ginoong Francis Pancratius Pangilinan.
Bukas na aklat at kasaysayan naman ang pagsuporta ni Sharon sa karera sa politika ng kanyang butihing asawa. Aktibo ang Megastar sa pangangampanya sa kanya noong 2022 nang si Pangilinan ay tumakbo sa eleksyon bilang bise presidente ni Ginang Leni Robredo.
Alam naman ni Cuneta kung paano ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas. Kasama siempre pa ang black propaganda, maling impormasyon, pekeng mga balita, wala sa hulog at katwirang mga opinion na sa hindi niya maipalawanag na dahilan ay pangmalakasang balang ginagamit kay Pangilinan.
Sa merienda cena pulong balitaan na ang nag-organisa ay sina Roselle at Keith Monteverde ng Regal Entertainment, ang madamdaming pahayag ni Cuneta: “I never liked politics kasi nga, in the Philippines, pagkaganda-ganda man ng intensyon mo, pagkaayos-ayos man ng puso mo, natatalo ka ng fake news saka budget na bilyon-bilyon ng ibang kandidato na wala naman kami. Lahat ng meron kami, pinaghirapan naming dalawa.”
Aniya pa: “I want to asks why people did not want to vote for Kiko and saan ba galing ang di nila pananalig sa kanya? Lies are being released against him and buti na lang may mga resibo kami para pabulaanan ang lahat ng mga kasinungalingang kanilang ikinakalat.”
Patuloy ni Sharon: “Bilang asawa niya at tatay ng mga anak namin, matino ang kanyang pagkatao. Wala namang perpekto, ‘di ba, lalo tayo sa showbiz, Diyos ko po! Pero maayos ang pinanggagalingan namin, maayos kaming pinalaki ng mga magulang namin.”
Dagdag pa ni Megastar: “I am so blessed to have a husband like Kiko. He never hurts me and he is a good father also. He might not have a lot but he would still give everything for them. At higit sa lahat, Kiko has a big heart for the Philippines at sa lahat ng mga Pilipino.”
Sabi pa ni Cuneta: "He has respect for farmers and fisher folk so much, he sees the disparity of earning between the market, the middlemen and them. The average age is increasing at 57, and their children wouldn't like to take the jobs. That would mean people would import everything. I don't understand the proliferation of fake news, he did a great job during his term as DAR Secretary. The things he tackles are the most important. It's very easy to research the truth."
Galing naman kay Ginoong Pangilinan: “I believe that we can win a fair fight without stealing from the coffers of the government. Let's try to win what is right. Our people will be our source of inspiration, our volunteers will be our source of strength, they will be the ones to give us the urge to fight until we cross that finish line. They will be the ones who will win this for us. I'm so happy what people have been doing for us recently, they help me tremendously. Yes, I have got word that a lot of people who support us, the ones we got to help in provinces. We went house to house. Anthony and Maricel is in Mindanao, they were with us in Gensan. They went to Davao and going around several cities. Gary will be in Cebu, Angeli is here with us. Papa P (Piolo Pascual) will be in Cebu. My brothers are in Cavite, Paranaque, Manaoag, and my sisters too. This was how my father also raised us, families help each other. That's why this happened. Donny was also in Gensan, Belle will hopefully be too soon but she's very busy. Vice Ganda has already shown support, Pooh, Pokwang, Pinky Amador, Jed Madela, Rita Avila, Iza Calzado, Darren Espanto, Enchong Dee, Robbie Domingo, Jona, Parokya ni Edgar, Rivermaya, Ben and Ben also and they will be talking to me in a podcast today, and I would like to thank them all because a lot of them fear persecution, to be bashed and trolled, and I thank them for their courage. Also, Ogie and Regine, Anne Curtis, Janine Gutierrez, Maja Salvador, Bituin Escalante, Nadine Lustre also, it's not a joke, they really have courage. We have to be strong to those who are weak, we have to fight for those who cannot fight. With them on board, I thank each one of them for the support.”