Photograph courtesy of qcpd
DYARYO TIRADA

Semana Santa mapayapa, saad ng PNP

Kitoy Esguerra

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na “generally peaceful” ang naging obserbasyon ng Semana Santa nitong nagdaang linggo at walang naitalang major incidents.

Ayon kay PNP chief Police General Rommel Marbil, naging maigting ang pagbabantay sa mga terminal, pantalan, mga simbahan at mga lansangan sa Metro Manila at binigyang pugay ang mga pulis na nag-duty nitong nakaraang Kuwaresma.

“Ang naging pagpapalakas ng presensiya ng mga pulis sa mga pangunahing areas sa nakalipas na linggo ay siyang naging susi kung bakit naging mapayapa ang naging obserbasyon ng Holy Week,” saad ni Marbil.

Kung matatandaan, nagtalaga ang PNP ng kabuuang bilang ng 65,000 na mga pulis na siyang ipinakalat sa ibat ibang lugar na siyang inasahang dadagsain ng publiko lalo na sa mga simbahan.

Ang deployment na ito ay inaasahang aabutin hanggang sa matapos ang Summer Vacation 2025 upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko.

Samantala, umaabot na sa 2.2 million ang mga bumyahe sa pamamagitan ng barko nitong nakalipas na Holy Week break.

Batay sa data ng Philippine Ports Authority (PPA), 2,258,351 ang kanilang nai-record mula sa mga pantalan.

Mas mababa ito kumpara sa inaasahan sanang 2.8 million.

Gayunman, posible pang madagdagan ang mga sasakay sa barko dahil ngayong araw ay may mga bumabyahe pa at posibleng mamaya pa pumasok sa data base ng ahensya.