Photos

Isang pambihirang tulay na naging stopping ground para sa mga sightseers

Tulay na may kakaibang arkitektura, naging bagong tambayan ng mga namamasyal sa Maynila

Author : Larry Cruz

Tara tuklasin natin ang pambihirang ganda ng isang tulay sa Maynila na naging bagong tambayan ng mga namamasyal dahil sa kakaibang desenyo nito mula nang ito'y binuksan. Ang Binindo-Intramuros Bridge ay isang tied-arch bridge sa Maynila na may apat na lanes at binubuo ng mga steel vertical hangers na nakakabit sa mga mala-arkong bakal na nagsisilbing haligi nito.

Naging kapansin-pansin ang araw-araw na pagtitipon ng mga sightseers na namamasyal, tumatambay, kumukuha, at nag papakuha ng litrato sa istrakturang ito, lalo na sa hapon hanggang gabi. Isang police outpost din ang itinayo sa tulay upang kontrolin ang daloy ng trapiko at labis na pagtitipon ng mga tao rito.