Sa kabila ng pag-aresto sa kanyang ama, ang dating pangulong Rodrigo Duterte, tila inaasahan na ni Vice President Sara Duterte na siya ang susunod na target ng International Criminal Court (ICC). Gayunpaman, ipinahayag niyang handa siyang harapin ang anumang alegasyon laban sa kanya.
Ayon kay Duterte, maging ang kanyang mga abogado ay nakahanda na kung sakaling siya ay kasuhan, maliban na lamang sa kanyang ama, si FPRRD, na nauna nang nagpahayag ng kagustuhang maging bahagi ng kanyang legal na depensa.
Ibinunyag din ng pangalawang pangulo na mayroon silang hawak na libro bilang gabay sa kanilang magiging hakbang, pati na rin ang iba’t ibang materyales sa pananaliksik kaugnay sa ICC. Kasama rin dito ang isang drafted petition na inihanda ng legal team ng dating pangulo.
Aminado si Duterte na kanyang inaalala ang posibleng malaking gastusin, partikular na sa legal fees, ngunit bahagi na rin ito ng kanilang pinaghahandaan.
Samantala, pinayuhan siya ng kanyang ina, si Elizabeth Zimmerman, na mag-ingat sa anumang haharapin niyang pagsubok.