Ukraine's President Volodymyr Zelensky (L) and US President Donald Trump are in the middle of a heated personal rift  JOHN THYS, ANDREW CABALLERO-REYNOLDS / AFP/File
DYARYO TIRADA

Pag-uusap nina Trump at Zelensky, Nagkaroon ng tensyon

Michael Pingol

Nagkaroon ng tensyon sa pag-uusap sa pagitan ni US President Donald Trump at Ukrainian leader Volodymyr Zelensky sa Oval Office ng White House.

Nagtungo si Zelensky sa White House upang lumagda sa kasunduan tungkol sa paggamit ng mineral resources.

Kasama rin sa pagpupulong si US Vice President JD Vance, na binatikos si Zelensky dahil sa pagiging agresibo sa patuloy na paghingi ng tulong.

Ayon kay Vance, wala raw pasasalamat si President Zelensky sa mga naitulong ng Estados Unidos, kahit na ang ikinampanya nito sa nagdaang US election ay si dating US Vice President Kamala Harris, na katunggali ni Trump.

Nagkaroon ng mainitang sagutan sina Zelensky at Trump, kung saan inakusahan ni Trump ang Ukrainian President na siya ang nagpapalala ng kaguluhan sa pagitan nila at ng Russia.

Dahil sa tensyon sa loob ng Oval Office, hindi na natuloy ang nakatakdang news conference ng dalawang lider at pati na rin ang pirmahan ng mineral deal.

Matatandaan na inakusahan ni Trump si Zelensky na siya ang nagpasimula ng pag-atake sa Russia.