Macquarie University biologist Anthony Waddle holds a tiny Green and Golden Bell frog, its colours becoming more vibrant in the heat  Saeed KHAN / AFP
DYARYO TIRADA

Palaka, solusyon sa dengue outbreak?

Michael Pingol, Jing Villamente

Matapos ideklara ang dengue outbreak sa Quezon City, nagsasagawa sila ng mga hakbang upang labanan ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

Isang barangay sa lungsod ang nagpapakalat ng mga palaka upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok.

Ayon kay Barangay Matandang Balara Secretary Margaret Lipata, nagpatawag ng emergency meeting ang kanilang punong barangay na si Allan Franza upang bigyang pansin ang paglaban sa dengue, kabilang na ang paggamit ng mga palaka.

Idineklara ng pamahalaang lungsod ang dengue outbreak noong Sabado kasunod ng ilang pagkamatay, karamihan dito ay mga bata. Ayon sa city dengue surveillance data, nasa 1,769 kaso na ang naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 13.

Sinabi rin ni Lipata na dati na nilang inilabas ang libu-libong palaka sa mga sapa, kanal, at drainage system noong 2019, at ang mga palaka ay nagmula pa sa Batangas.

Nagsagawa na rin ng fogging at fumigation operations ang Quezon City Health Department sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay.