Nagpatupad ng taas-presyo ngayong araw ang ilang kumpanya ng langis.
Kaninang alas sais ng umaga, ipinatupad ang P0.80 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Nagkaroon din ng P0.80 na pagtaas sa kada litro ng diesel, at ang kerosene ay tumaas ng P0.10 sa kada litro.
Ayon kay Energy Department Director Rodela Romero, ang dahilan ng pagtaas ay ang pangamba na maaapektuhan ang pandaigdigang suplay ng langis dahil sa mga sanctions ng US laban sa Russia at Iran.