Evidence confiscated at the scene of they buy-bust operation that led to the arrest of Fonalyn Erive and 30 grams of shabu 
LATEST

Binatilyo, arestado sa isinagawang buy-bust operation sa San Nicolas, Ilocos Norte

Michael Pingol, Jasper Dawang

Isang buy-bust operation ang isinagawa ng otoridad ng San Nicolas Municipal Station (MPS) kung saan inaresto ang isang 18-anyos na estudyante sa San Nicolas, Ilocos Norte bandang 6:29 PM noong Pebrero 14.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Captain Randy C. Damo, kasama ang Police Intelligence Unit (PIU) ng INPPO, 101st MC, RMFB1, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO1).

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Tristan Derick Ascado, residente ng Barangay 11, San Fernando, San Nicolas, Ilocos Norte, matapos magbenta ng heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa isang undercover na pulis. Natuklasan din ang karagdagang sachet ng marijuana na may kabuuang 12 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P2,000.00.

Si Ascado ay lumabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Commission on Elections (Comelec) Resolution No. Gun Ban 11607.

Nasamsam din ng otoridad ang buy-bust money at ilang halaga ng pera, narekober din ang isang berdeng Nike belt bag, isang Nokia keypad na cellphone, at dalawang disposable vape. Bukod pa dito, natuklasan din ang isang improvised .22 caliber pistol at dalawang bala, kaya nadagdagan ang kaso ng suspek.