Kumpiyansa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maaalis na ang lahat ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ngayong taon.
Paliwanag ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, nasa mahigit 1,000 POGO na lamang ang may operasyon ng small-scale matapos ang pagsasakatuparan ng total ban ng POGO sa bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Karamihan sa mga operator ng malalaking POGO hub ay nagnenegosyo na ngayon mula sa mga apartment, condominium, at maging sa kanilang mga kuwarto sa mga hotel o resort.
Matatandaang nailigtas ng PAOCC ang 34 na Indonesian sa isang POGO hub at inaresto ang isang babaeng Chinese na nagngangalang Liu Meng at iba pa sa Pasay City. Naglahad din ang mga Indonesian national sa awtoridad na sila ay pinilit na magtrabaho para sa isang “fraudulent operation.”