Hindi bababa sa labinlimang katao ang namatay at labinlima rin ang sugatan sa naganap na stampede sa isang main railway station sa New Delhi, India, noong Sabado ng gabi. Kasama sa bilang ng mga namatay ang sampung kababaihan at tatlong bata.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa dalawang platform habang naghihintay ang mga pasahero na sumakay sa mga tren patungo sa lungsod ng Prayagraj, kung saan idinaraos ang Hindu Maha Kumbh Festival.
Sa mga larawan at bidyo na nakalap, makikita ang dagsa ng tao na halos nagtutulakan upang makasampa sa bagon, habang ang mga pulis at relief team ay nagpupursige upang makdaan.
Ang punong ministro ng Delhi na si Atishi, na gumagamit lamang ng isang pangalan, ay nagsabi sa X na marami sa mga biktima ay mga pilgrim na dadalo sa Maha Kumbh.
Kinumpirma ng Punong Ministro ng India na si Narendra Modi at ilang iba pang pederal na ministro ang insidente ng stampede sa mga post sa X nang hindi ibinunyag ang bilang ng mga namatay.