DYARYO TIRADA

Presyo ng bigas sa Mandaue City sa Cebu, bumaba

Michael Pingol

Bumaba ng presyo ng bigas ng P1 hanggang P5 kada kilo sa lungsod ng Mandaue, sa probinsya ng Cebu.

Ang pagbaba ng presyo ng bigas ay kinumpirma ng mga ng isang local retailer na si Adelfa Lumapas nitong Sabado, ang dahilan umano ng pagbaba ng bigas ay dahil sa mababang gastos sa suplay at ito ang nagpahintulot sa kanila na ipasa ang mga matitipid sa mga mamimili. Nilinaw din niya na ang pagbaba ng presyo ay hindi konektado sa programa ng gobyerno na Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All (RFA) program.

Ayon sa Philippine Information Agency (PIA), inaasahang bababa ng P3 kada kilo ang presyo ng bigas sa ilalim ng RFA program. Kapag na-adjust, ang RFA5 rice ay tataas ng P43 kada kilo, RFA25 sa P35 kada kilo, at RFA100 sa P33 kada kilo. Sa kasalukuyan, ang RFA5 ay ibinebenta sa P45 kada kilo, RFA25 sa P38 kada kilo, at RFA100 sa P36 kada kilo.

Samantala, ang inisyatiba ng Kadiwa ng Pangulo ay ang patuloy na pagbibigay ng abot-kayang presyo ng bigas sa halagang P29 kada kilo para sa mga priority group kabilang ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at indigent individual.