Ititigil muna ng Hamas ang kanilang pagpapalaya sa mga bihag na Israeli.
Ito ay dahil inakusahan ng militanteng grupo ang Israel ng paglabag sa nilalaman ng ceasefire deal. Kabilang sa kanilang akusasyon ang umano’y pag-aantala ng pagbabalik ng mga dating lumikas sa Northern Gaza at ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza Strip.
Itinanggi naman ito ng Israel at ibinalik sa Hamas ang sisi. Sa kabila nito, sinabi ni Israeli Defense Minister Israel Katz na pinaghahanda niya ang kanyang mga sundalo para sa posibleng muling pagsiklab ng kaguluhan.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagkasundo ang Gaza at Israel sa pagpapalaya ng Palestinian inmates at iba pang bihag, kung saan may apat na bahagi ang ceasefire.
Ang huling bahagi ng ceasefire ay ang tuluyang paglisan ng mga sundalo ng Israel na nasa Gaza.