Matapos iendorso ng 215 miyembro ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte napasakamay na ni Senate Secretary General Renato Bantug ang kopya ng articles of impeachment mula kay House Secretary General Reginald Velasco.
Matatandaan na dalawang buwan makalipas mula nang naihain sa mababang kapulungan ng kongreso ang tatlong impeachment complaints laban sa bise presidente.
Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, na kaalyado ni Duterte, kanya nang inaasahan na maiimpeach si Duterte sa kamara. Nasaksihan din daw niya ang pagpupursige ng mga kongresista na patalsikin ito.
Samantala, ipinauubaya naman ni House Secretary General Reginald Velasco sa Senado ang gagawin sa impeachment. Ngunit aniya constitutional mandate ng Senado na tugunan ang impeachment complaint.
Dagdag pa ni Velasco, maaaring mag-convene ang Senado ngayong magkakaroon ng break dahil ito ay legislative function ng mataas na kapulungan. Kung sakali man mag-convene dagdag niya nakahanda naman ang mga tatayong prosecutor sa Kamara.