CHIP SOMODEVILLA / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP
DYARYO TIRADA

Pagtukoy sa katawan ng pulis na nasawi sa plane crash, naudlot

Michael Pingol

Naudlot ang pagtukoy sa labi ng Pilipinong pulis na si PCol. Pergentino Malabed Jr. Isa siya sa mga nasawi sa malagim na US mid-air collision ng American passenger jet at US Army Helicopter noong Enero 29.

Ito ay sa kadahilanang hindi muna pinahintulutan ng medical examiner na tukuyin ang labi ni PCol. Malabed ng misis nito na si Rio Malabed. Kailangan raw muna nitong makumpleto ang procedural requirements.

Maingat na nakamonitor ang konsulada sa lahat ng documentation requirements para mapabilis ang repatriation ng mga labi ni PCol. Malabed, ayon kay Consul General Rodriguez.

Nais din nilang mabigyan ng oras ang pamilya nito na makapagpaalam ng maayos sa yumaong pulis.

Pinuntahan din ni Rio Malabed ang memorial makeshift ng kanyang asawa, pati na rin ang pamilya ng iba pang biktima ng trahedya.

Kasama ang pangalan ni PCol. Malabed  sa makeshift memorial sa Washington D.C. kung saan nilagay ang watawat ng Pilipinas.

Kabilang sa 67 na nasawi sa US plane crash si PCol. Malabed, nakilala ito dahil sa kanyang pasaporte na nakita sa kanyang katawan.