Ngayong araw ginanap ang pagdinig ng Kamara tungkol sa talamak na fake news at disinformation sa bansa, kung saan inimbitahan ang nasa hindi bababa na 40 social media personalities at content creators.
Karamihan sa naimbitahan ay hindi sumipot sa naturang pagdinig habang nasa tatlo lang ang dumalo.
Idinahilan ng mga content creators ang ‘Freedom of Speech’, samantalang kinuwestiyon din nila sa imbestigasyon ang layunin at legitimacy ng ginagawang imbestigasyon ng Kamara.
Nagpadala lamang ng "excuse letters" ang ibang content creators dahil sa hindi pagsipot at ang iba naman ay ayon sa kadahilanang nasa labas ng bansa.
Ayon kay Abang Lingkod party-list Rep. Stephen Paduano, ang rason ng hindi nila pagsipot ay uusisain pa rin kung katanggap-katanggap, at hindi ito isang "free pass." Naghain din ng isang mosyon si Paduano na maglabas ng "show cause order" ang TriCom laban sa mga content creators na walang valid reason sa hindi nila pagsipot na kalaunan ay inaprubahan naman ng Korte.
Kabilang lang sa mga sumipot sa pagdinig ay sina Malou Tiquia, Mark Louie Gamboa at Atty. Enzo Recto (Atty. Rico Tomotorgo).