(Photo courtesy of Comelec) 
DYARYO TIRADA

Bibili at magbebenta ng boto aarestuhin kahit walang warrant — COMELEC

Michael Pingol

Sa papalapit na 2025 midterm elections, inaasahang magiging talamak ang bentahan at pagbili ng boto. Dahil dito, naglabas ng resolusyon ang Commission on Election (COMELEC) na bibigyan ng kapangyarihan ang mga otoridad para arestuhin ang mga gumagawa nito kahit walang warrant of arrest.

Ang kakayahan ng Committee on 'Kontra-Bigay' ng COMELEC mas mapapalawig dahil sa resolusyon 11104 na sila din ang nagsasagawa ng pagmomonitor sa mga vote buying at selling sa paparating na halalan sa Mayo 12.

Nakapaloob dito na pwede hulihin ng otoridad ang sinumang mahuli o maaktuhan nila na nagtatangkang magbenta o bumili ng boto.

Ang mga maaaresto na lumabag sa patakaran ay dadalhin sa pinakamalapit na police station at ang mga makakalap na ebidensya ay mapapasakamay ng COMELEC.