Philippine President "Bongbong" Marcos and US President-elect Donald Trump 
DYARYO TIRADA

PBBM at Trump , posibleng magpulong

Michael Pingol

Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United States President Donald Trump para talakayin ang iba’t-ibang importanteng isyu sa pagitan ng kanilang mga bansang pinamumunuan.

Nais din linawin PBBM  kay Trump ang direktiba nito kaugnay sa pagtigil muna ng foreign aid ng US. Dagdag pa nito na marami pa silang tatalakayin partikular sa kalakalan, defense and security at maging ang bagong polisiya ng Amerika pagdating sa immigration.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang direktiba ni Trump sa pagpapatigil sa mga ayuda ng US sa bansa kaya naging tikom ang bibig ni PBBM at dagdag pa nito maging ang mga ahensya sa US government ay hindi nila maunawaan kung ano ang ibig sabihin sa naging utos ni Trump.

Umaasa naman si PBBM na magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang pagpupulong at kung makakapag-impluwensya ang Pilipinas kaugnay sa bagong polisiya ng US sa immigration.

Sa polisiya ni Trump, maraming bilang na ng mga Filipino ang nabalik sa bansa.

Wala pang detalye ang pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider.