Ang tinaguriang “last movie queen and woman standing” mula sa “golden era” ng Philippine showbusiness, si Gloria Romero, ay namayapa na. Siya ay 91 years old.
Ang opisyal na pahayag mula sa kanyang unica hija, si Maritess Gutierrez, na anak nila ni Juancho Gutierrez: “It is with great sadness that I announce the passing of my beloved mother, Gloria Galla Gutierrez, aka Gloria Romero, who peacefully joined our Creator earlier today, January 25, 2025,” sulat niya sa kanyang Facebook pahina.
Ang labi ni Ms. Romero ay nasa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.
“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we’ve received. She will surely be missed dearly, ‘’dagdag paghayag pa ni Gutierrez.
May public viewing sa labi niya na mangyayari sa Enero 27 at 28, mula 9 a.m. hanggang 1 p.m.
Si Ms. Gloria, ay isang award-winning actress at pitong dekada ang tinagal ng karera niya. Ilan sa mga hindi makakalimutang mga pelikula niya ay ang “Magnifico,” “Dalagang Ilocana,” “Tarima,” “Tanging Yaman,’’ at ‘’Rainbow’s Sunset.’’
May mga naging palatuntunan rin siya sa telebisyon at ang isa sa pinakatumatak ay kanyang pagiging si Tita Minerva sa “Palibhasa Lalaki.”
Isang star-studded tribute ang ibinigay kay Ms. Romero noong Pebrero 2024 at sa nasabing taon rin, na Abril naman ang kaganapan, ang “Queen of Philippine Cinema,” ay hinirang ng Film Development Council of the Philippines’ bilang Lifetime Achievement Honorees. Ang nakasaad sa kanyang pagkilala: “For more than just a movie queen immortalized by landmark Filipino films cutting through decades of our popular culture and history.”
Si Amy Perez na gumanap na anak niya sa “Palibhasa Lalake,” ang mensahe sa kanyang IG: “Mommy I will miss you. Thank you for everything. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ. Love you forever. “
Mula naman kay Roderick Paulate: “Paalam mommy Glo (Queen Gloria Romero, my first mommy in the movie when I was a child actor). I will miss you.
Thank you for the lovely memories we had during our taping of “MUNTING HEREDERA”. Your stories and sharings about our mothers are treasurable.
Ma mimiss ko ang mga tawag mo kahit tapos na ang teleserye natin para kamustahin ako at bilinan na mag-ingat sa mga taong hindi totoo. Mahal kita mommy Glo. May you rest in peace. God bless your soul.”
Mahigpit na yakap at pakikiramay ang ibinigay ng inyong lingkod, ang Chika Diva at buong Dyaryo Tirada sa pamilya ni Ms. Gloria Romero.
‘Stalker’ nga ba ni Kathryn Bernardo ang ex?
Hindi nakakakilig at tunay na nakaalarma ang pinalulutang na chika tungkol kay Daniel Padilla. Diumano paikot-ikot daw siya sa subdivision na tinitirahan ni Kathryn Bernardo. Ayon sa mga katkaterang tunay, umaasa si Daniel Ford na magkaroon ng pagkakataon at matiyempuhan ang dating kasintahan, para makausap.
Sa totoo lang, nakaka-alarma ang galawang ganiyan ni ginoong Padilla dahil ang dating, para na siyang “stalker” ni Bernardo. At, para saan pa ang dramaramang dapat eh matiyempuhan niya ang dalaga para makapag-usap. May dapat pa bang pag-usapan? Hindi ba’t malinaw na malinaw na hiwalay ang kanilang de kolor at puti kaya para saan ang paandar na ito na nakakabahalang tunay.
Hindi ba gated ang subdivision ni Kathryn na kahit sino na lang pwedeng pumasok? Hindi ba sa ibang exclusive subdivisions, lalo na kung hindi ka naman nakatira roon, bago makapasok ang sinuman, kailangan munang iwan ang lisensya sa security guard on duty at dapat eh tatawagan muna ang may-ari ng bahay para kumpirmahin na may taong gusto silang puntahan o dalawin?
Dapat, kung totoong may ganito, magpatulong na si binibining Bernardo sa kanyang legal counsel para mag-file ng restraining order kay Padilla na hindi siya pwedeng magpahara-hara at magpa-ikot-ikot sa subdivision kung saan siya naninirahan.
Hindi po “tamis-tamisan” ang gawing ito ni Daniel Padilla. Walang dapat kiligin. Hindi dapat ikatuwa. Kataka-taka at nakakahibang ang ganitong mga gawi at galawan, huh!
***
Palakpakan na may kasamang sigawan para sa Southeast Asian Superstar Pop group, ang SB19 dahil panalo sila bilang mga solo artist at siempre pa, bilang Mahalima sa katatapos lang na 10th Wish Music Awards.
Dumalo sina Josh, Justin, at Stell ng tinaguriang P-Pop Kings na SB19 sa 10th Wish Music Awards na ginanap noong Linggo, January 19, sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ang inuwing karangalan nila Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin De Dios, Ken Suson at Stell Ajero ay ang live Wish Bus performance ng popular na P-Pop group ng kanilang kanta na “Ilaw” bilang Wishclusive Ballad Performance of the Year. Kaakibat ng kanilang pagkapanalo, nakatanggap din ng Php100,00 ang napili nilang charitable organization na Leukemic Indigents Fund Endowment (L.I.F.E), Inc.
Ang Wish Ballad Song of the Year, ang hinirangm na panalo ay ang awit ng ‘The Voice’ coach na si Stell na “Di Ko Masabi.” Ang Stepping Stone Education Philippines ang napili niyang beneficiary. Sa parehong kategorya, nominado naman ang “The Boy Who Cried Wolf” ni Pablo.
Hinirang na Wish Rock/Alternative Song of the Year ang kanta ni Felip na “Kanako.” Tinanggap ng Warner Music general manager for marketing and business na si Celine Ferros ang tropeo para sa SB19 member. Idinonate naman ng huli ang napalanunang Php100,000 sa Enhancing Nurturing Disciplining Empowering Restoring Daycare Inc.
Ang nanalong Wish Hip-hop Song of the Year ay si Josh Cullen Santos para sa kanta niyang “Get It Right.” L.I.F.E. ang napili niyang beneficiary.
Siempre pa, ang Wish Song Collaboration of the Year ay ang mega-hit song na “Kalakal” ng SB19 at rap icon na si Gloc-9. Ang L.I.F.E. at PGH Medical Foundation, Inc. ang napili nilang tulungan.
Sa parehong kategorya, nominado rin ang “Flyyy” ng bandang Playertwo at ni SB19 Ken.
Big winner si Stellvester Ajero dahil nakuha niya rin ang titulong Wish Breakthrough Artist of the Year.
Ang Wish Artist of the Year ay ang natatangi at nag-iisang Pinuno, si Pablo. Tinanggap naman nina Leah Gonzales at Irmay Ledesma ng 1Z Entertainment, ang pamunuan na siyang namamahala sa karera ng SB19, ang gawad. Ang PGH Medical Foundation, Inc. ang napili niyang charity na tulungan.
Samantala, ang co-member niyang si Ken ay nanomina sa parehong kategorya.
Hindi naman makapaniwala si Stell nang parangalan siya ng special award. Kinilala siyang Wishers’ Choice para sa ika-10 edisyon ng music awards.
Naging presenter din si Stell sa 10th Wish Music Awards kasama si DJ Faye ng Wish 107.5.
Isa rin sa mga presenter si SB19 Josh noong gabing iyon.
Bago matapos ang event, naghandog ng isang musical number sina SB19 Justin at Bicolana singer-songwriter dwta.
Mabuhay kayo, mahusay kayo, P-Pop Kings SB19!