Muli na namang na-link ang actress and vlogger na si Ivana Alawi kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.
Sa New Year episode kasi ng “Showbiz Now Na,” itsinika ng host na si Cristy Fermin na may impormante siyang bagong chika kina Ivana at mayor Albee.
“Ito pong kuwentong ito ay puwedeng i-deny, idiretso at pabulaanan ng mga taong sangkot sa issue pero kung gugustuhin man nilang aminin ito sa publiko, maraming salamat,” panimula ni Cristy.
“Ayon sa aking source ay may bahay si Ivana Alawi sa Ayala Alabang,” dagdag pa niya. Ayon sa veteran writer and host nagkakahalaga ang Ayala Alabang mansion ni Ivana ng P400 million.
“Pero bakit bakit pumapasok sa eksena nitong P400 million na mansyon na ito ang pangalan ni Mayor Albee Benitez?” say ni Cristy.
Idinagdag pa ni Cristy na nakapangalan kay Ivana ang Ayala Alabang mansion. Itsinika din niya na spotted sina Ivana at mayor Albee sa US nitong Christmas season.
February last year nang humingi ng paumanhin si Mayor Albee nang ma-report na naispatan sila ni Ivana sa isang airport sa Japan ayon na rin sa ulat ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.
“I went there on a business trip as stated in my official travel order,” say ni Mayor Albee sa kanyang statement.
“Speculations involving Ms. Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter. I apologize to Ms. Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them,” dagdag pa niya.
***
Sa kanyang Facebook account ay nagpasalamat si Daryll Yap kay Rhed Bustamante dahil tinanggap niya ang role bilang si Pepsi Paloma.
“Maraming Maganda, Maraming Mahusay, pero Konti lang ang Maganda, Mahusay at MATAPANG.
“14 years old lamang si Pepsi Paloma noong pumasok siya sa Showbiz. Kaya’t mahalagang isang galing sa pagiging Child Star ang gumanap sa kanya.
“Salamat Rhed Bustamante
Salamat sa pagtanggap, pagtitiwala at pagtupad sa pangarap ng isang Batang Olongapo na maikwento ang buhay ng kanyang kababayan,” say niya.
Ipinagtanggol din niya ang kanyang movie.
“ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA ay hindi produced ng mga Jalosjos (Kaaway ng TVJ) o ng mga Discaya (Kalaban ni Vico);
“hindi ako padidikta sa pelikulang pangarap gawin ng bawat Batang Gapo, hindi pulitikal ang pelikulang tungkol sa kababayan ko.
“Wala akong pake sa mga drama nila.
“Pero kung pakiramdam nila eh pabor sa kanila ang paglalahad ko ng buong kwento—at gusto nila akong bigyan ng pera—SINO BA NAMAN AKO PARA TUMANGGI?! Hindi ako mapagmalaking tao. Hindi ako mapride.
“Tag nyo nga,” paliwanag niya.
***
Mukhang nagpahinga lang sina Maris Racal at Anthony Jennings. Three weeks din silang hindi nakitang magkasama matapos pumutok ang controversy na inagaw ni Maris si Anthony sa non-showbiz girlfriend niya.
May kumakalat ngayong video kung saan magkasama sina Maris at Anthony. Mukhang pinababa muna nila ang intensity ng kontrobersiyang dulot ng kanilang bawal na pag-ibig.
Actually, malabong mapaghiwalay ang dalawa. Bukod kasi sa “Incognito,” ang seryeng pinagbidahan nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez, may ginagawa ring movie ang dalawa.
Siguro nga ay meant for each other sina Maris at Anthony. Nakatakda siguro silang maging magdyowa lalo pa’t pareho na silang single.
***
Nagustuhan nang labis ng Pambansang Marites na si Xian Gaza ang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde na kasama sa Metro Manila Film Festival last year.
Sa kanyang official Facebook account ay puring-puri niya ang movie na 2023 pala niya napanood.
“Napanood ko na ‘tong “TOPAKK” last year pa. Napakagandang pelikula sa totoo lang. 9/10 siya for me. Ka-level siya ng mga Korean movies na action thriller. Petmalu as in. Sulit na sulit yung ibabayad mo sa sinehan,” say ni Xian.
“Nakakalungkot lang kasi hindi siya showing sa lahat ng cinemas nationwide dahil mas priority nila yung mga pelikulang pangmasa kagaya nung kay Vice Ganda. Numbers game kasi yan. Around 50% ng ticket sales ay napupunta sa may-ari ng mall tapos yung 50% ay napupunta sa film producer. That’s why mas priority ng mga sinehan yung pelikula na papaldo to a point na hindi nila bibigyan ng slot yung ibang MMFF entries kagaya ng TOPAKK. Sad lang kasi ito na sana yung mga pambihirang pagkakataon na maitataas natin yung kalidad ng Philippine film industry,” dagdag pa niya.