Senatorial candidate Luis 'Manong Chavit' Singson takes center stage at the Feria de Candon, the annual celebration of the Candon City Fiesta. He took the opportunity to promote his platforms in his bid for a Senate seat. Photograph by ronnie garcia for the daily tribune
NATION

Manong Chavit imbitado sa koronasyon sa Solsona

Nuel Sanchez

Si Melinda Rafanan mula bayan ng Solsona, Ilocos Norte ang napiling koronahan para sa “Queen of Queens of Solsona of Hawaii 2025” na magaganap sa 24 Enero 2025 sa munisipalidad ng Solsona.

Sa okasyong ito, inimbitahan ni Rafanan si senatorial aspirant Luis "Manong Chavit" Singson bilang panauhing pandangal.

Hindi na bago kay Manong Chavit ang mga beauty pageants dahil matagal na siyang tagasuporta ng Miss Universe pageant noong 2016 nang idinaos ito sa Pilipinas. Nabanggit din niya na naialok na sa kanya ang franchise ng Miss Universe ngunit tinanggihan niya ito at sinabing susuportahan niya lang ang sinumang bibili ng franchise.

Sinabi ni Rafanan na nakikita niya ang koronasyon bilang isang pagdiriwang ng pagkakaisa, pagkakaibigan, pag-ibig, at diwa ng Bayanihan.

"Bilang isa sa mga iginagalang na pinuno ng politika at negosyante na tunay na nagpapakita ng mga katangiang ito sa katutubong lalawigan ng Ilocanos, ang iyong pagdalo at pakikilahok sa koronasyon ay lubos na magpaparangal at magdaragdag ng ningning sa okasyon at magbibigay ng higit na kahalagahan sa sandaling ito,"ani Rafanan sa kanyang liham kay Manong Chavit.

Kasabay ng koronasyon ang programa ng Balikbayan Night na siyang hudyat ng pagsisimula ng 2025 Solsona Gameng Festival.

Inaasahang sasamahan si Rafanan ng mga kapwa Pilipino mula sa Hawaii at US mainland sa araw ng pagdiriwang.