Napakapalad ng mga taga-Cainta dahil meron silang gobyernong mapagkalinga at mapag-aruga lalong lalo na sa mga pangangailangang medikal.
Kaya naman napakahalaga ang pagkakaroon ng mga lider na tunay na may malasakit sa taong bayan lalong lalo sa kanyang nasasakupan o constituents.
At napakaswerte ng mga taga-Cainta na merong mag-asawang Nieto na tumatayong ama’t ina sa kanila na buong pusong nagseserbisyo sa kanila at agarang tumutugon sa kanilang problema at mga pangangailangan.
Katulad na lamang nitong free mental health consultations and free medicines program ng Cainta LGU na tahimik na nag-aaruga sa mga taong may depression, anxiety at psychological disorders.
“I don’t want to gate keep this. I don’t mind if sa mga susunod na session kung mas mahaba pila,” ang sabi ni Cainta municipal administrator Keith Nieto sa kanyang social media post.
“If you feel down, loss interest in daily activities, have sleep changes, get angry or irritable easily, stressed–it’s wise to go to the nearby clinic for a mental health check up,” dagdag pa ni Nieto.
“Your friends, family and workmates can be there for you pero di nila obligasyon ma-fix ka or to heal you. It’s okay. There’s nothing wrong in getting an assessment.”
Kung taga-Cainta kayo, magpunta na sa Cainta Medical Arts Building dyan sa may Parola. Libre lang po ito. Sa mga ibang providers nasa P2,000 o P3,000 ang price ng consultation.
***
Samantala, paglilinaw lamang hinggil sa naging kolum ko noong nakaraang Martes para linisin ang pangalan ni Quezon City Fifth District Representative Patrick Michael Vargas patungkol sa implementasyon ng TUPAD.
Sumulat po sa DAILY TRIBUNE ang tanggapan ni Congressman Patrick Michael Vargas ng ika-limang distrito ng Quezon City para pabulaanan na hindi sinalaula ang implementasyon ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers na kung saan sinuspendi diumano ni dating Labor Secretary Silvestre Bello III ang implementasyon ng nasabing programa sa kanyang distrito.
Ayon sa tanggapan ni Cong PM Vargas, noong 2021 pa lamang ay na-clear na ni Secretary Bello ang District 5 sa isyung ito matapos ang masusing imbestigasyon ng DOLE.
“In District 5 (Quezon City), there are no complainants and there are no pending complaints...On that basis, I immediately lifted yung suspension doon sa District 5,” ang pahayag ni Secretary Bello sa naging interview sa kanya ni Zen Hernandez.